Kakapusan ng Yamang Tao

Sa ekonomiks, pinaniniwalaan na ang bawat ekonomiya ay nakararanas ng kakapusan sa pinagkukunang

yaman.
Hindi ipinapahiwatig ng kakapusan na ang kahirapan ay umiiral lamang sa ekonomiya na salat sa pinagkukunang yaman. Sa katunayan, may mahihirap na tao sa isang ekonomiya kahit na mayaman ang bansa sa pinagkukunang yaman. Sumakatuwid, hind inaalintana sa kakapusan ang pisikal na dami ng pinagkukunang-yaman. Mas nabibigyang-diin sa konsepto nito ang paraan kung bakit hindi nakatugon ang pinagkukunang-yaman sa pangangailangan at kagustuhan ng tao.
Halimbawa, ang isang bansa ay masasabing mayaman sa mga dagat at ilog. Inaasahan na isa sa mga pangunahing gawaing pang-ekonomiya nito ang pangingisda. Inaasahan din na isda ang pangunahing produkto at pagkain ditto. Ngunit sa pagdaan ng panahon, maaaring marami sa ilog at dagat ang nangamamatay dahil sa polusyon. Maaasahan na bababa ang produksiyon ng isda. Marami sa umaasa sa pangingisda ay bababa rin ang kita. Ang umaasa sa isda bilang pagkain ay mahihirapang humanap ng pamalit dito.


Sa Yamang Tao
Ang pangunahing indikasyon ng kakapusan sa yamang tao ay ang haba ng kanyang buhay. Ngunit sa kasalukuyan, ang karaniwang naaabot na edad ng tao ay 70 taon. Sa katunayan, kabilang ang edad ng tao sa batayan ng pag-unlad. Ang panukat ay tinatawag na longevity. Ang dami (magnitude o size) at antas ng paglago (growth rate) ng populasyon sa bansa ay isa pang indikasyon.
Nagaganap sa ilang mauunlad na ekonomiya (developed economies) tulad ng Canada, Japan, Great Britain, New Zealand, at United States ang isang halimbawa ng kakapusan sa yamang tao. May mga pagkakataon na ang mga nabanggit na developed countries ay umaangkat ng paggawa mula sa ilang bansa.




Mga Komento

Mag-post ng isang Komento